P.6 MILYON SHABU, NASAMSAM SA HVI

CAVITE – Tinatayang mahigit sa kalahating milyon pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa isang umano’y tulak ng ilegal na droga at nasa listahan ng High Value Individuals, sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Sabado ng gabi.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Art II. ng RA 9165 ang suspek na si Leonardo Francisco Bautista, 31, ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:15 ng gabi nang nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P690,000, at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

142

Related posts

Leave a Comment