P1.6-B SHABU NASAMSAM SA LIVE-IN PARTNERS

0

CAVITE – Tinatayang P1.656 bilyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam makaraang maaresto ang live-in partners sa buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang restaurant sa Dasmariñas City noong Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga arestadong sina Wilfredo Blanco Jr., 37, at Megan Lemon Pedroro, 38, kapwa residente ng Kasiglahan Village, Montalban, Rizal.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 noong Sabado ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA 4A, PDEA IIS, PDEA SES, PDEA NCR, AFP TF NOAH, NICA, PDEG-RONCR, BOC, RID-NCRPO, PDEG SOU4, Cavite PPO at Dasmariñas CPS sa parking lot ng Max’s Restaurant sa Brgy. Salitran 2, Aguinaldo Highway, Dasmariñas City kung saan nakipagtransaksiyon ang poseur buyer sa mga suspek.

Nabatid na ilang kilo lang sana ang transaksyon ng mga awtoridad sa mga suspek ngunit tumambad sa kanila ang bulto-bultong hinihinalang shabu sa loob ng isang puting Toyota Hi Ace van na walang plaka.

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang 240 kilograms ng hinihinalang shabu na may street value na P1.656 bilyon. (SIGFRED ADSUARA)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment