P1.6-M ECSTASY NASABAT SA NAIA

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang inbound express cargo na naglalaman ng dangerous drug, tinatayang aabot sa P1.6 milyon ang halaga.

Ayon kay BOC-NAIA District Collector Yasmin Mapa, idineklara ang mga ito bilang vitamins supplements, baby wash at body wash, at itinago sa loob ng bagahe.

Nadiskubre ang mga ito matapos ipadaan ang bagahe sa 100 percent physical examinations. Nakita sa loob ng bagahe ng suspek ang 995 piraso ng tableta ng methylenedioxymethampheta o kilala sa tawag na ecstasy.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task group (NAIA-IADITG), ang shipper at consignee na sasampahan ng kasong paglabag ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at RA 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

(FROILAN MORALLOS)

185

Related posts

Leave a Comment