P1.87-M shabu nasamsam 4 DUMAYO SA BICOL, NASUKOL NG PNP-PRO5

APAT na kasapi ng isang drug syndicate na dumayo sa Bicol Region, ang nadakip ng mga tauhan ng PNP-Police Regional Office 5 sa isinagawang anti-narcotics operation sa Brgy. Kinale, Polangui, Albay.

Ayon sa ipinaabot na ulat kay Bicol PNP chief, P/BGen.  Jonnel C. Estomo ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5, nasakote ang mga suspek na sina Celmel John Lapiz y Guico, 27, ng Brgy. Batong Malaki, Charmaine Erlandez y Padilla, 33, ng Brgy. Timugan, parehong sa Los Baños, Laguna; Ronald Mendoza y Rayos, 50, residente ng Brgy. Alangilan, at Rosemarie Diana Adap y Reyes, 37, residente ng Brgy. Santa Clara, parehong ng Batangas City.

Nakuha mula sa mga suspek ang 275 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang P1,870,000 ang halaga.

Nabisto ang apat sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos na lantaran at garapalang pinagbilhan ang poseur buyer ng isang pakete na

naglalaman ng 50 gramo ng ilegal na droga. (JESSE KABEL)

15

Related posts

Leave a Comment