P1-M NATANGAY SA NILOOBANG HARDWARE

LAGUNA – Tinangay ng mga kawatan ang P1 milyong halaga ng mga kagamitan at salapi sa mula sa niloobang hardware sa bayan ng Pila sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya, nilooban ng hindi kilalang mga suspek ang Lucky 178 Hardware Store na pagmamay-ari ni Andy Co, 54, sa Purok 2, Brgy. San Antonio ng naturang bayan.

Nadiskubre ang insidente nang magising si Co bandang alas-12:30 ng madaling araw noong Huwebes.

Nang tingnan ang CCTV footage, dalawang ‘di kilalang lalaki na nakatakip ng t-shirt ang mukha ang pumasok sa hardware at nilimas ang mga kagamitan.

Pagkaraan ay sapilitang binuksan ang vault at kinuha ang perang laman nito.

Dumaan ang mga magnanakaw sa puno ng saging at saka tumalon sa kabilang bakod ng isang itinatayong bahay,

Kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek. (CYRILL QUILO)

213

Related posts

Leave a Comment