P1-M SHABU NASAMSAM SA HVI

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P1 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa arestadong high value individual (HVI) sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Michael Angelo Ricanor Cecilio, alias “Ducay”, 30, binata, isang window blind installer, at residente ng Brgy.

Pulang Lupa II, Las Piñas City.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsamang pwersa ng RPDEU 4A, PDEU CAVPPO, Bacoor CPS Station Drug Enforcement Unit (SDEU) at PDEG SOU4 sa Brgy. Badjao, Brgy. Molino IV, Bacoor City, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang mahigit sa 200 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,360,000 at buy-bust money. (SIGFRED ADSUARA)

25

Related posts

Leave a Comment