P100K SHABU NASAMSAM, DRUG DEN NALANSAG

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P100,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska at nalansag isang drug den makaraang madakip ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga arestado na sina Michael Baltazar y Graes 43; Mark Anthony Fuenzalida y Cortiz, 35; Paul Villaflor y Obid, 52, at Pilwardo Patiño y Ching, 43-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Cavite Police Provincial Office (PPO) at Imus City Police sa Toclong 2B, Imus City na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at nalansag ang hinihinalang drug den.

Nakuha sa lugar ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P103,000, buy-bust money, paraphernalia at isang unit ng cellular phone.

Kasong paglabag sa Art. II ng RA 9165 ang kinakaharap ng mga suspek. (SIGFRED ADSUARA)

27

Related posts

Leave a Comment