P13.6-M SHABU KUMPISKADO SA BULACAN

BULACAN – Mahigit 2 kilo ng hinihinalang shabu na P13.6 million ang halaga ang narekober ng Malolos Police sa hinihinalang drug trafficker sa Barangay Tikay, Malolos City sa lalawigang ito, nitong Biyernes.

Kinilala ni Police Regional Director P/BGen. Matthew Baccay ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang suspek na si Abubakar Sandigan, alyas “Kapatid”, 31, residente ng Brgy. 311, Quiapo, Manila.

Iniharap sa local media nina Baccay at PCol. Manuel Lukban Jr., Bulacan Police Acting Provincial Director, ang suspek na nadakip ng mga tauhan ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Malolos City Police Station sa ikinasang anti-illegal drug operation bandang alas-1:30 ng madaling-araw sa pangunguna ni P/Lt. Col. Christopher Leaño.

Ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakarekober ng mahigit 2 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P13,600,000 ang halaga. (ELOISA SILVERIO)

2

Related posts

Leave a Comment