P136-M SHABU HULI SA PARAÑAQUE CITY

TINATAYANG 20 kilo ng umano’y shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa ikinasang anti-narcotics operation noong Martes ng hapon sa Tambo, Parañaque City.

Dalawang drug suspect ang nadakip habang nakatakas naman ang isa pa na kabilang sa high value target personality.

Kinilala ng mga operatiba ang nadakip na mga suspek na sina Mark Joseph Cortez y Villareal, 36, at Jacqueline Espinosa y Pizarro, 37, dalaga, habang nakatakas naman ang isang Marion King John Cortez y Aranzanzo.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, matapos ang isinagawang surveillance and intelligence gathering ay nagkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team, PDEA RO-National Capital Region at Tambo Substation 2, kasama ang Parañaque City Police Station sa bayan ng tambo.

Nakuha sa mga suspek ang 20 kilograms ng suspected shabu na may estimated street value na P136,000,000, at ang ginamit na buy-bust money.

Pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 in relation to Section 26 paragraph b (Attempt or Conspiracy to Sell of Dangerous Drugs) and Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga arestado.

(JESSE KABEL RUIZ)

311

Related posts

Leave a Comment