P15.3-M PORSCHE KINUMPISKA NG BOC AT PDEA

AYON sa impormasyon ng Davao PNP, isang kotseng nagkakahalaga ng P15.3 million ang kinumpiska ng Bureau of Custom at Philippine Drug Enforcement Agency 11 SA Davao City.

Ayon sa Bureau of Customs noong Miyerkoles, na-intercept ang isang puting Porsche 911 GT3 RS na nanggaling ng Japan na unang idineklarang used automobile parts matapos ang isinagawang joint inspection sa Port of Davao.

Sa pakikipag koordinasyon ng BOC Port of Davao sa Philippine Drug Enforcement Agency XI (PDEA), Seaport Interdiction Unit, at Davao City Police Office (DCPO), nasabat ang nasabing luxury car na ‘misdeclared’ bilang automobile parts.

Isang intelligence information ang ipinarating ng PNP Sasa Police Station sa BOC kaugnay sa isang shipment ng “automobile parts” na kahina-hinala at naka-consign sa isang JJCTD Import and Export Trading Corp.

Agad na nakipag-ugnayan ang BOC sa PDEA Region XI para magsagawa ng pagsusuri sa kahina-hinalang shipment na posibleng siningitan ng smuggled illegal drugs. “A thorough physical examination yielded negative of illegal substances,” ayon sa PDEA.

Nang buksan ang container ng shipment, nakita muna ng mga awtoridad ang ilang mga piyesa ng sasakyan. Pero nadiskubre ang mga ito na pantakip lang sa naturang luxury car. (JESSE KABEL)

78

Related posts

Leave a Comment