P15K PRODUCTION SUBSIDY PINAHAHABOL SA DA BUDGET

NAIS ng dalawang militanteng mambabatas sa Kamara na ihabol sa budget ng Department of Agriculture (DA) ang P15,000 production subsidy sa mga magsasaka lalo na ang mga sinalanta ng bagyong Karding.

Ayon kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, tinataya ng DA na 1.7 milyong ektarya ng pananim na ang nasalanta ng bagyong Karding noong Linggo kung saan 1.5 milyon dito ay palayan.
“Dapat hanapan ng pondo ang signipikanteng production subsidy sa ating mga magsasaka. Malaki ang nalugi sa kanila sa Rice Tariffication Law at mahal na presyo ng langis, at ngayon nama’y winasak ang kanilang pananim,” ani Brosas.

Nais ng lady solon na kunin sa contingency fund ang production subsidy na ibibigay sa may 9.7 milyon magsasaka at maging sa mga mangingisda na apektado rin ng bagyo at pagtaas ng presyo ng langis.

Ganito rin ang panawagan ni ACT party-list Rep. France Castro kung saan bukod sa contingency fund ng Office pondo sa calamity fund at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF). (BERNARD TAGUINOD)

5

Related posts

Leave a Comment