P19.9-B DROGA SINUNOG SA CAVITE

CAVITE – Mahigit P19 bilyong halaga ng ilegal na droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City noong Huwebes ng umaga.

Ang naturang mga droga ay kabilang sa iba’t ibang drug evidences na nakumpiska mula sa drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at kanilang counterparts na law enforcers at military units.

Sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition ang kabuuang 3.7 tons o 3,746,081,07 gramo kabilang ang 2,715,4251 gramo ng methamphetamine hydrochloride o shabu, na nagkakahalaga ng P18,463,029,690.54; marijuana na 306,787,0243 gramo na nagkakahalaga ng P36,814,442,02; cocaine na 407,7200 gramo, P2,160,916,00; Ecstasy na 340,8424 gramo, P1,353,813.27; Diazepam na 15,6000 gramo, P604.50; Nitrazepam na 10823 gramo, P23,000; Meth + Caffeine na 7,2429 gramo; Ketamine na 12,2024 gramo, P47,569.36; Ephedrine na 668,9188680 gramo; MDA na 704,3800 gramo; MDA na 7043800 gramo; Meth + MDMA na 95,6000 gramo; Psilocin na 13,1555 gramo; N-Dimethylamphetamine na 33,625,9300 gramo; Meth HCI na 716,500,000 milliliters; GBL na 252,0000 milliliters, P374,850.00; Ephedrine+Meth HCI na 40,000,000 milliliters; liquid marijuana na 107,00 milliliters at surrendered expired medicine na 20,000  milliliters, o P19.9 bilyon ang kabuuang halaga. (SIGFRED ADSUARA)

135

Related posts

Leave a Comment