P2.2-M ‘DAMO’ SINUNOG SA ILOCOS SUR

ILOCOS SUR – Umabot sa P2,225,000 halaga ng fully grown marijuana plants at marijuana dried leaves ang winasak at sinunog ng mga awtoridad sa nadiskubre nilang plantasyon ng marijuana sa Brgy. Licudan, sa bayan ng Sugpon, sa lalawigang ito noong Nobyembre 28.

Nagsasagawa ng marijuana eradication operation sa Mt. Agay ang law enforcement officers mula sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group Special Enforcement Unit (lead unit), National Bureau of Investigation, 1st Provincial Mobile Force Company La Union Provincial Office, Sugpon MPS, at PDEA La Union Provincial Office, nang madiskubre nila ang naturang taniman ng 8,000 fully grown marijuana plants.

Agad nilang binunot ang naturang marijuana plants, at kasama ang 5 kilo na marijuana dried leaves na nadiskubre rin nila sa naturang lugar, ay sinunog ang mga ito.

Walang marijuana cultivator na naaresto ang mga awtoridad mula sa nadiskubreng plantasyon ng marijuana. (RENE CRISOSTOMO)

28

Related posts

Leave a Comment