P2.3-M SMUGGLED AGRI-FISHERY PRODUCTS NASABAT NG DA-IE

MAY kabuuang P2,310,000 milyon halaga ng smuggled agri-fishery products mula China at Vietnam ang napasakamay ng Department of Agriculture Inspectorate and Enforcement ((DA-IE) noong nakaraang linggo.

Sa ulat ni DA-IE Head, Assistant Secretary James A. Layug, ang pagkakasamsam sa smuggled na agri-fishery products ay bunga ng pinagsanib na operasyon na pinamunuan ng DA-IE sa magkahiwalay na anti-smuggling operation at food safety inspection sa Navotas City at Cavite noong October 12, 2023.

Ayon kay Layug, alinsunod ito sa kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na paigtingin ng DA ang laban sa agricultural smuggling.

Sa pakikipag-ugnayan ng DA-IE sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Navotas Business Permit and Licensing Office (BPLO), Philippine Fisheries Development Authority

(PFDA) at Philippine Coast Guard (PCG), naisagawa ang joint anti-smuggling operation upang masundan ang isang container van na napaulat na naglalaman ng smuggled imported frozen agri-fishery products na nakapangalan sa BELEN & SONS INC.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng 25 boxes ng bonito, 799 boxes ng round scad at 1 box ng mackerel na may kabuuang 8,250 kilos galing sa bansang Tsina at Vietnam.

Ang nga nakumpiskang produkto, ayon pa rin kay Layug ay kanila munang ipinamahala sa BFAR. Nag-isyu naman ang Navotas BPLO ng Notice of Violation at sinelyuhan ang mga stall ng Belen and Sons Inc. dahil walang naipakitang ‘business permit.’

Kasong paglabag sa FAO 195 Series of 1999, Establishing Rules and Regulations Governing Importation of Fresh/Chilled/Frozen and Fishery Aquatic Products at Republic Act 10611 o’ ang Food Safety Act of 2013 ang kinakaharap ng may-ari ng kumpanya.

Kasabay nito, nanawagan si Layug sa publiko na patuloy na iulat sa mga kinauukulan ang mga sindikatong nagpapasok ng mga bawal at smuggled na agri-fishery products at makipag-ugnayan agad sa DA upang matugunan ang mga ganitong suliranin sa food security ng bansa.

354

Related posts

Leave a Comment