P2.4-M DROGA NASABAT SA CAMANAVA

LAGPAS sa P2.4 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska, habang 233 naman ang isinelda, at tatlong children in conflict with the law (CICL) ang nasagip sa kampanya ng pulisya kontra droga at kriminalidad mula Mayo 3 hanggang 16 sa hilagang bahagi ng Metro Manila.

Umabot sa 356.83 gramo ng shabu na may presyong P 2,426,444 at 10  gramo ng marijuana na may halagang P1,200 ang nasamsam sa 29 na operasyon kontra droga sa Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela (CAMANAVA).

Kabilang sa mga hinuli ang 49 durugista, 67 sugarol, 59 wanted persons at 15 magnanakaw.

Sa karsel din humantong ang walong lasenggong lumabag sa liquor ban at 35 pang iba na may sari-saring kaso. (ALAIN AJERO)

79

Related posts

Leave a Comment