P2-M ipinatong ng pamilya sa ulo ng mga suspek MANAGER NG SHIPPING LINES PATAY SA PAMAMARIL

NAG-ALOK ng halagang P2-milyong pabuya ang pamilya ng isang kilalang negosyante mula sa Masbate, sa makapagtuturo at makapagbibigay ng impormasyon sa mga pumaslang dito.

Ayon sa pamilya ng biktimang si Leo Velasco, nakahanda silang magbigay ng P2 milyon para sa ikalulutas ng kaso.

Ang 56-anyos na si Velasco na manager ng Kho Shipping Lines, ay pinagbabaril ng tatlong hindi kilalang mga suspek habang nagkakape sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion, Aroroy, Masbate noong Biyernes ng umaga, Disyembre 15.

Dakong alas-6:30 ng umaga nang pwersahang pasukin ito ng mga suspek sa kanyang bahay at pinagbabaril.

Agad ding tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Dead on the spot naman si Velasco dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang pangyayari.

Agad ding dumalaw si Masbate Governor Antonio Kho at iba pang mga opisyal sa burol ni Velasco.

Tiniyak ng gobernador na gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng biktima.

(NILOU DEL CARMEN)

139

Related posts

Leave a Comment