QUEZON – Umabot sa P2 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa dalawang babae sa buy-bust operation sa bayan ng General Luna sa lalawigang ito, nitong Linggo ng madaling araw.
Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, isinagawa ng iba’t ibang drug enforcement unit ng Quezon PNP ang operasyon laban sa 41-anyos na suspek na si Melody Palatino Revilloza na naitala bilang high value individual sa PNP drug watchlist, sa kanyang bahay sa Sitio Malalim, Barangay San Jose dakong ala-1:45 ng madaling araw.
Naaresto rin ang kasama nitong 45-anyos na babae na si Marie Maaño Baldoviso.
Nakumpiska sa mga ito ang 13 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang 100 gramo at may DDB value na P680,000 at street value na P2,040,000.
Nakakulong na ang dalawang suspek sa custodial facility ng Gen. Luna Municipal Police Station at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) (NILOU DEL CARMEN)
