P200K PEKENG PRODUKTO NASAMSAM NG NBI

TINATAYANG umabot sa sa P223.867.715 halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa dalawang establisimyento na pagmamay-ari ng Peter Uy Perez General Merchandise sa Greenhills Shopping Center sa San Juan City noong Abril 5, 2023.

Bukod dito, apat pang establisimyento ng Leather Goods Trading na pagmamay-ari ng isang Mylene Sy, ang sinalakay ng NBI sa nasabing lugar dahil umano’y pawang mga fake ang mga produkto.

Bitbit ang search warrant na inisyu ng Branch 46 ng Manila, sinamsam ng NBI ang counterfeit bags, footwear, jewelry, at mga relo na may trademarks ng Chanel, Hermes, at Rolex na umabot sa halagang P223,867,715. (RENE CRISOSTOMO)

192

Related posts

Leave a Comment