P230K NATANGAY NG BASAG-KOTSE

NAGPALABAS ng isang malawakang babala ang Cavite provincial police kaugnay ng magkahiwalay na pagsalakay ng isang grupong pinaniniwalaang nasa likod ng pagnanakaw ng mga kagamitan sa loob ng mga sasakyan.

Sa tala ng Cavite PNP, hindi bababa sa P230,000 halaga ng mga kagamitan ang natangay ng mga miyembro ng Basag Kotse gang sa bayan ng Silang nito lamang nakaraang Sabado.

Kinilala ang mga biktimang sina Glenn Rosales ng Sta. Rosa. Laguna at Kimberly Briones Coloma na mula naman sa Lipa City sa lalawigan ng Batangas.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon nang magtungo ang mga biktima sa Dermatological Solution sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Biga, Silang, Cavite.

Habang sa nasabing establisimyento, walang kamalay-malay ang mga biktimang binasag na pala para nakawan ang kanilang mga sasakyang nakaparada sa ‘di kalayuan.

Bukod sa pagkakabasag ng kanilang windshield, nakuha mula sa isa sa dalawang biktima ang isang Acer laptop na nagkakahalaga ng P32,000; Iphone 7 na nagkakahalaga ng P5,000 at shoulder bag na P8,000 ang halaga.  Natangay din ng ‘di pa kilalang mga suspek ang isang MacBook laptop na nagkakahalagang P75,000,  Louis Vuitton  travel bag, P70,000; Dyson hair blower, P30,000 at kuwintas na P10,000 ang halaga.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa layong matukoy ang pagkakakilanlan ng mga kawatan at maaresto ang mga ito. (SIGFRED ADSUARA)

5

Related posts

Leave a Comment