P25.4-M DROGA, 251 LOOSE FIREARMS NASAMSAM SA CENTRAL VISAYAS

NASAMSAM ng PNP ang P25.4 milyong halaga ng ilegal na droga at 251 loose firearms habang 700 katao ang naaresto sa 24-oras na operasyon ng Central Visayas PNP.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., narekober ang mga nabanggit sa 24-oras na Synchronized Enhanced Managing Police Operations (SEMPO) sa nabanggit na lalawigan.

Dagdag pa nito, ang SEMPO ay malawakang koordinasyon at serye ng mga operasyon laban sa mga kriminal, para matiyak ang ligtas na kapaligiran sa mamamayan.

Iniulat din ni Gen. Azurin, ang SEMPO ay isinagawa mula ika-12:01 ng hatinggabi ng Agosto 13 hanggang 12:01 ng hatinggabi ng Agosto 14.

Nagresulta rin umano ang operasyon sa pagkakahuli sa 709 indibidwal kontra ilegal na droga, sugal, loose firearms at wanted persons.

Sinabi ng PNP chief, 130 anti-gambling operations ang isinagawa na nagresulta rin sa pagkumpiska ng mahigit sa P26,000 cash.

Habang 185 operasyon naman ang isinagawa laban sa loose firearms, na nagresulta sa pagka-recover ng 251 firearms at isang pampasabog. (ENOCK ECHAGUE)

166

Related posts

Leave a Comment