P255K SHABU NASAMSAM SA TULAK SA RIZAL

RIZAL – Nasamsam ng mga operatiba sa ikinasang buy-bust operation ang 37.4 gramo ng ilegal na droga sa Sitio Libis, Brgy. Sta. Ana, sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ni P/Lt. Michael Legaspi Jr., team leader ng San Mateo Drug Enforcement Unit, kinilala ang nadakip na si Lauro Anzures Agapito, ng Brgy. Sta. Ana ng nabanggit na bayan.

Dakong alas-10:30 ng gabi, inaresto sa anti-drug operation si Lauro sa Sitio Libis sa nabanggit na lugar.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa suspek ang 37.4 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P255,204, isang blue green coin purse at buy-bust money.

Habang tinutugis ng pulisya ang kasama nitong nakatakas na si Roberto Peñaflor y Nicanor alyas “Obet”.

Hawak na ng Rizal Provincial Forensic Unit ang nakumpiskang droga para sa laboratory examination habang sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek. (ENOCK ECHAGUE)

42

Related posts

Leave a Comment