P28-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY

DAVAO OCCIDENTAL – Nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy ang P28.6 milyong halaga ng smuggled na mga sigarilyo sa karagatan malapit sa Balut Island sa lalawigan noong Martes.

Ayon sa pahayag ng Naval Forces Eastern Mindanao, naharang ng kanilang navy ship na BRP Artemio Ricarte (PS37), ang motorized banca na M/B Mhufar-3, na may kargang 1,846 malalaking kahon ng mga sigarilyo na ipupuslit sana patungo sa Malita, Davao Occidental.

Galing ang bangka sa Tawi-Tawi at may kargang malaking bulto ng ilegal at undocumented cigarettes. Ikinustodiya rin ng mga awtoridad ang 25 crew nito.

Ang BRP Artemio Ricarte, isa sa mga barko ng Navy na naka-deploy sa Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) area of responsibility, ay nagsasagawa ng territorial defense operations sa karagatang nakapalibot sa Balut Island mula pa noong Pebrero 25.

(NILOU DEL CARMEN)

62

Related posts

Leave a Comment