P3-M ALAHAS NI BOKAL TINANGAY NG AKYAT-BAHAY

CAVITE – Umabot sa mahigit P3 milyong halaga ng mga alahas ang tinangay ng ‘di kilalang mga suspek sa farmhouse ng isang Cavite Provincial Board Member sa bayan ng Gen. E. Aguinaldo sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumangay sa mga alahas ng biktimang si Irene Bencito y De Padua, Cavite Provincial Board Member at residente ng Brgy. Castanos Cerca, Gen. E. Aguinaldo, Cavite.

Ayon sa ulat, alas-2:00 ng hapon nang nagtungo ang Bokal sa pulisya hinggil sa insidente ng pagnanakaw sa kanyang farmhouse sa Sitio Bolbok, Brgy. Castanos, Cerca, Gen. Emilio Aguinaldo, Cavite na hinihinalang nangyari noong unang Linggo ng kasalukuyang buwan.

Dahil walang tao sa lugar, pinasok umano ang mga suspek sa pamamagitan ng pag-akyat sa isang bakal na hagdanan sa likurang bahagi ng bahay patungo sa isang sliding window na hindi naka-lock. (SIGFRED ADSUARA)

17

Related posts

Leave a Comment