P340K SHABU NASABAT SA TULAK

NADAKIP ang umano’y notoryus na drug pusher ng Brgy. San Dionisio, Parañaque City noong Biyernes ng gabi sa buy-bust operation makaraang bentahan ng tinatayang 50 gramo ng umano’y shabu na may presyong P340,000, ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Ayon sa ulat, bandang alas-6:15 ng gabi, nagkasa ang mga operatiba ng NCRPO RID-RDEU, RSOG ng buy-bust operation sa #6764 Ilang-ilang Street, Tramo Uno, Barangay San Dionisio, Parañaque City na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na kinilalang si Raul Requiez.

Walang pag-aalinlangan umanong nakipagtransaksyon ang suspek sa isang buyer na isa palang pulis.

Nakuha sa suspek ang malaking plastic sachet ng shabu na tinatayang P340,000 ang halaga, boodle money na ginamit ng mga awtoridad sa operasyon, at ilang drug paraphernalia.

Inihahanda na ng pulisya ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek. (DAVE MEDINA)

6

Related posts

Leave a Comment