P340K SHABU NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Mahigit sa P300K halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Imus City noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Luisito Dominguez y Malinis, 56, at Marjay Dominguez y Espiritu, 33-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa Brgy. Palico IV, Imus City at nakumpiska ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

161

Related posts

Leave a Comment