P398-M SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY

IPINADE-DEPORT ng Philippine Navy ang crew ng Indonesian vessel na nahuli matapos magpuslit ng tinatayang P398 milyong halaga ng smuggled na mga sigarilyo mula sa Indonesia patungo sa bansa.

Noong Lunes, pormal ng hiniling ng Philippine Navy sa pamamagitan ng kanilang Naval Task Force 61 Units ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM), sa Bureau of Immigration sa Manila, ang pag-deport sa mga dayuhang smuggler.

Noong Pebrero 1 nang masabat ng mga tauhan ng NFWM sa karagatan ng Tawi-Tawi ang cargo vessel na naglalaman ng smuggled na mga sigarilyo matapos makatanggap ng ulat na may kahina-hinalang sasakyang pandagat na naglalaman umano ng mga ilegal na droga at iba pang kontrabando na ilulusot sa area na nasasakop ng NFWM.

Agad nagbuo ng team ang Philippine Navy kasama ang 2nd Marine Brigade, isang team mula PDEA, at composite intel team mula sa Navy, Marines at Air Force.

Nagsagawa ang mga ito ng maritime patrol (MARPAT) and maritime interdiction operation (MIO) at nasabat ang cargo vessel na M/V Samson na may sakay na 10 Indonesian crew sa timog ng Pearl Bank sa Tawi-tawi at bumulaga sa mga awtoridad ang libo-libong mga kahon ng sigarilyo na nakalagay sa cargo hold ng vessel.

Dinala ng mga awtoridad ang barko sa Bongao Port at doon siniyasat din ng mga tauhan ng local Bureau of Customs at PDEA bago itinurn-over sa Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga.

Base sa inventory, kabilang sa mga nakuha ang 5,277 master cases at 289 reams ng mga kahon ng undocumented cigarettes, at 861 boxes ng undocumented tobacco cut fillers na tinatayang may market value na nasa P398,553,592.

(NILOU DEL CARMEN)

 

49

Related posts

Leave a Comment