P3K KAPALIT NG ‘BAWAL NA HALIK’, TECHNICIAN TIMBOG

SINUBUKAN ng isang 24-anyos na aircon technician na painan ang isang 12-anyos na dalagita ng halagang P3,000 kapalit ng pagpapahalik nito sa kaselanan ngunit tumanggi at nagsumbong ang biktima na nagresulta upang arestuhin ang suspek ng mga awtoridad sa Sta. Cruz, Manila noong Martes ng umaga.

Nanginginig sa takot na nagsumbong ang biktimang si “Lucy” sa kanyang ina na agad namang kinompronta ang suspek na kinilalang si Niño Boco ng Barangay 355 sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, bandang alas-10:00 ng umaga nang pasukin ng suspek ang nagsosolong menor de edad sa loob ng inuupahang kuwarto.

Nilapitan umano ito ng suspek at sinabing bibigyan siya ng tatlong libo. Sa simula, inakala ng biktima na regalo ito sa kanya kaya hinintay nitong iabot ang pera.

Ngunit sinabi pa umano ni Boco: “Bibigyan kita ng 3 libo, pero hahalikan ko ang pepe mo.”

Dahil sa matinding takot ng biktima ay agad itong lumabas at nagsumbong sa kanyang ina.

Dali-dali namang kinompronta ng ginang ang suspek saka ipinagbigay-alam ang insidente sa himpilan ng pulisya.

Sa follow-up operation ay agad na sinakote ng mga awtoridad ang suspek na positibong itinuro ng biktima na siyang may balak na gawan siya ng kalaswaan. (RENE CRISOSTOMO)

36

Related posts

Leave a Comment