P4.9-B ang extraordinary expenses noong 2022 ‘HOUSE OF ROMUALDEZ’ PINAKA GASTADOR

UMABOT sa P4.9 billion ang extraordinary and miscellaneous expenses ng House of Representatives noong isang taon kaya ito ang may ‘highest expenditure’, ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA).

Saklaw ng mga gastusin na ito ang ‘meetings, seminars, public relations, subscription sa mga libro at magazines.

Gumastos naman ang Office of the President (OP) ng ₱4.5 billion sa confidential at intelligence funds (CIF) noong nakaraang taon.

Ang nasabing pondo ay pinaghatian sa termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Makikita sa 2022 Annual Financial Report ng COA para sa mga ahensya ng pamahalaan, ang confidential expenses ng OP ay 61% ng kabuuang disbursement na ₱2.25 billion.

Gumastos din ito ng ₱2.25 billion sa intelligence funds na mahigit sa 40% ng kabuuan.

Para sa ibang executive offices, ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang may pinakamataas na confidential fund disbursement dahil nakapagtala ito ng ₱500 million na sinundan ng National Security Council na mayroong ₱182 million.

Ang Office of the Secretary ng Department of Justice (DoJ) ay gumastos ng ₱150.5 million, habang ang National Bureau of Investigation ay gumastos ng ₱141.5 million sa confidential funds.

Gumastos naman ang Department of National Defense ng ₱37.4 million lamang sa confidential funds subalit ₱1.7 billion ang disbursement sa intelligence funds.

Sa kabilang dako, gumastos naman ang Department of Interior and Local Government ng ₱1.1 billion sa intelligence funds.

Ang Confidential expenses ay ginamit para sa surveillance habang ang intelligence funds ay ginasta para sa mga aktibidad na may kaugnayan sa pangangalap ng impormasyon ng uniformed personnel.

(CHRISTIAN DALE)

209

Related posts

Leave a Comment