P41-M PINSALA NI GORING, 200K KATAO APEKTADO

TINATAYAANG lalagpas sa 200,000 katao ang maapektuhan ng Bagyong Goring na muling naging isang Super Typhoon at patuloy na nanalasa sa dulong hilagang Luzon kahapon, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).

Habang sa inisyal report naman ng NDRRMC, umabot nasa P41 million ang winasak ni Typhoon Goring sa imprastraktura sa mga lalawigan ng Cagayan, Mimaropa, Western Visayas, Cordillera habang patuloy pa itong nanalasa sa northern Luzon.

Sa inilabas na datos ng NDRRMC kahapon ng umaga, nasa 196,926 katao na ang naapektuhan ng bagyo at 35,095 nito ang pansamantalang namamalagi sa evacuation centers.

Nabatid na umabot na sa P7.8 milyong halaga ng ayuda ang naipagkaloob ng pamahalaan para sa 56,410 pamilya na apektado ng Bagyong Goring sa 832 barangay sa lalawigan ng Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region.

Iniulat ng NDRRMC na patuloy pang nadagdagan ang bilang ng mga indibidwal na naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Goring sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng ahensya, sa ngayon ay mayroon nang isang indibidwal ang napaulat na nawawala dahil sa pananalasa ng nasabing bagyo.

Mula sa naturang bilang, umabot sa 35,095 katao o 9,608 pamilya ang kasalukuyang nanunuluyan ngayon sa 376 evacuation centers habang nasa 13,902 indibidwal naman ang nakikituloy sa ibang lugar.

Samantala, bukod dito ay nakapagtala rin ang NDRRMC ng 134 kabahayang nasira, kabilang 82 partially damaged at 52 totally damaged.

(JESSE KABEL RUIZ)

151

Related posts

Leave a Comment