P6.34-M ILLEGAL DRUGS NAI-TURNOVER SA PDEA

HAWAK na ng Philippine Drug Enforcement Agency ang P6.348 milyong halaga ng ilegal na droga na nai-turn over sa ahensya ng Bureau of Customs-Port of Clark at BOC-NAIA.

Ang nasabing ilegal na droga na dumating sa Port of Clark mula Lagos, Nigeria, ay unang idineklara na air filter, fuel filter at oil filter para sa mga sasakyan.

Subalit nang isailalim ang kargamento sa physical examination at pagsusuri ng PDEA K-9, nalaman na shabu pala ang laman ng kargamento. Itinago ito sa dalawang car oil filters at nasa 360 gramo ang bigat.

Agad naglabas si Customs Collector John Simon ng Warrant of Seizure and Detention sa nasabing shipment saka nag-utos ng malalimang imbestigasyon.

Ang pagkakadiskubre sa ilang gramo ng shabu ay bunsod na rin ng malakas na ugnayan ng BOC-Port of Clark at PDEA kaya’t nagpapasalamat si Simon at hindi ito nakalusot

Samantala, mas marami pang ilegal na droga ang nahaharang ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), sa pamumuno ni District Collector Mimel Talusan, at partner agencies kamakalawa.

Apat na air parcels na naglalaman ng ilegal na droga at ini-turn over sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa tamang disposisyon sa Central Mail Exchange Center (CMEC).

Sa pisikal  na pagsusuri sa apat na parcels ay nalantad ang  2,040 piraso ng ecstasy tablets na nakatago sa foot massager, at 317 cartridge, at 14 na kendi na may langis ng cannabis, na may pinagsamasamang halaga na aabot sa P3.86 milyon.  (JESSE KABEL RUIZ)

146

Related posts

Leave a Comment