P6.8-M SHABU NASABAT SA PARKING LOT

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P6 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang lalaki sa buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fast food restaurant sa Bacoor City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Daryl Julhasan y Pilapil, 28, walang trabaho, ng Talaba 4, Bacoor City, Cavite

Ayon sa ulat, dakong alas-7:17 ng gabi nang makipagtransaksyon ang suspek sa poseur buyer at magkikita sila sa parking lot ng fast food restaurant sa Molino Boulevard, Talaba 4, Bacoor City, Cavite.

Agad ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng PDEA RO IVA RSET2 and RSET 1, PDEA-Cavite PO, Bacoor SDEU, at RDEU-4A na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at nakumpiska sa kanya ang tinatayang 1 kilo ng hinihinalang shabu na may street value na P6,800,000.

Alibi ng suspek, inutusan lamang siya na i-deliver ang ilegal na droga sa lugar kapalit ng halagang P5,000.

Inaalam ng pulisya kung sino ang mga kasabwat ng suspek sa nasabing ilegal na droga. (SIGFRED ADSUARA)

44

Related posts

Leave a Comment