P68-M SHABU NASABAT SA 3 HIGH VALUE TARGET

LAGUNA – Arestado ang tatlong high value target ng mga awtoridad habang 10 kilong shabu na tinatayang P68 milyon ang halaga, ang nasabat sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police Drug Enforcement Group sa San Pedro City noong Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, P/Col. Rogarth Bulalacao Campo, kay Calabarzon Regional Director, P/BGen. Eliseo DC Cruz, kinilala ang mga suspek na sina Ace Arciaga, 35; Shamewayne Darvin, 19, at Benz Gonzales, 21-anyos. Kasama ring nadakip ang isang 17-anyos na binatilyo.

Isinagawa ang operasyon ng mga operatiba bandang alas-9:45 ng gabi sa isang subdivision sa Brgy. Landayan ng naturang lugar.

“I congratulate the operating units including my personnel from the PIB and San Pedro CPS for this exceptional accomplishment. He said, we will continue to work side by side with the other units of the PNP and the other law enforcement agencies within and outside the province upang tuluyan nang masawata ang ilegal na droga at ilegal na mga aktibidad sa ating probinsiya,” ani Campo.

Inaalam pa ang partisipasyon ng menor de edad na dinala sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Ang tatlong suspek naman ay nahaharap kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (CYRILL QUILO)

3

Related posts

Leave a Comment