P680K SHABU NASABAT SA TRIKE DRIVER

BATANGAS CITY – Kalaboso ang isang 34-anyos na tricycle driver makaraang mahulihan ng P680,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Balagtas sa lungsod na ito.

Arestado si John Christopher Abulencia y Oliver, 34, residente ng Blk. 3, Lot 5, Console 1, Pisces St., Brgy. San Lorenzo Ruiz, San Pedro, Laguna.

Batay sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng buy-bust operation ang pinagsanib na pwersa ng mga miyembro ng Office of the Provincial Director Drug Enforcement Unit (OPD-DEU), at Batangas City Police Station dakong alas-7:45 ng gabi noong Sabado sa nasabing lugar kung saan nahuli ang suspek.

Nakuha sa suspek ang dalawang pirasong big heat-sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang pirasong brown paper bag, buy-bust money na P200,000, isang unit ng mobile phone at 100 gramo ng umano’y shabu na P680,000 ang street value.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Art. 2 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang nasabing suspek. (CYRIL QUILO)

72

Related posts

Leave a Comment