P7.27-B DROGA, ESSENTIAL CHEMICALS SINIRA SA CAVITE

TINATAYANG P7.27 bilyong halaga ng ilegal na droga at essential chemicals ang sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc., sa Trece Martires City noong Martes ng umaga.

May kabuuang 1,426,477.49 gramo at net volume na 101,811,553.20 milliliters na mga drug evidence na nakumpiska sa iba’t bang drug operations ng ahensiya at iba pang law enforcement at military units, ang sinira ng PDEA, na umabot sa halagang P7,273,125,331.09 sa IWMI sa Barangay Aguado, Trece Martires City, Cavite.

Base sa consolidated report ng PDEA Laboratory Service, kabilang dito ang tinatayang 1,060,824.2884 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,213,605,160.85; 317,489.4685 gramo ng marijuana na nagkakahalaga ng P38,098,736.22; 230.4580 gramo ng cocaine na nagkakahalaga ng P221,427.40; 9,169.7344 gramo ng MDMA o ecstasy (P15,588,548.48) ;1,037.8671 gramo ng Ketamine (P4,047,681.69); 379.0000 milliliters na GBL (P563,762.50); 0.3600 gramo ng Diazepam (P13.95); 34,900.00 gramo ng methylephedrine; 2,849.20 milliliters ng liquid marijuana; 258,324.00 milliliters na Toluene; 101,550,000.00 milliliters ng MEK; 1,808.8200 gramo ng Ephedrine; 0.6500 gramo ng Amphetamine; 1,015.8400 gramo ng codeine at 1.0000 milliliters  Meth HCl.

Ang nabanggit na mga drug evidence ay ipinadaan sa thermal decomposition o thermolysis sa pamagitan pagsunog na may init na 1,000 degrees centigrade.

Ang pagsunog sa mga droga ay alinsunod sa guidelines na itinakda sa ilalim ng Section 21, Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

29

Related posts

Leave a Comment