P7.3-M SHABU TIMBOG SA HVT SA CEBU

TIMBOG ang 22 -anyos na high value target makaraang makumpiskahan ng mga awtoridad ng P7.3 milyong halaga ng umano’y shabu sa 43 pakete sa Brgy. Calamba, Cebu City.

Ayon sa ulat sa Kampo Crame ni PRO7 director, P/BGen. Jerry Bearis, kay PNP chief, P/Gen. Rodolfo Azurin Jr., kinilala ang naaresto na si Juhndel Abanid alyas “Tiyo”, sa ikinasang operasyon dakong alas-10:30 ng gabi noong Martes.

Nakumpiska ng mga operatiba kay Abanid ang 1.75 kilo ng droga na nagkakahalaga ng P7,310,000 matapos ang ilang linggong surveillance operation, sa ikinasang buy-bust operation sa A. Lopez St., Sitio Mahayahay, Brgy. Calamba.

Bukod sa pagiging high value target ng suspek sa rehiyon, dati na umano itong nakulong sa katulad na kaso noong Pebrero 11, 2018 at nakalaya sa pamamagitan ng probisyon. (ENOCK ECHAGUE)

24

Related posts

Leave a Comment