CAVITE – Tinatayang P70,000 halaga ng gadgets ang nilimas ng hinihinalang mga miyembro ng akyat-bahay gang sa Carmona City sa lalawigang ito.
Pinaghahanap ng Carmona City police ang suspek na kinilalang si alyas “Marco” at isang kasama nito dahil sa reklamo ni “Roselle”, dalaga, 34, ng Brgy. Lantic, Carmona City, Cavite.
Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga nang magising ang biktima at nadiskubreng nawawala ang ilang gadgets nito sa kanyang bahay na umabot sa P70,000 ang kabuuang halaga
Nawawala rin aniya ang padlock sa kanilang gate at ang aluminum screen sa kanilang bintana ay nasira.
Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya at inaalam kung may malapit na CCTV sa lugar ng insidente.
(SIGFRED ADSUARA)
281