P8-M PUSLIT NA YOSI NASABAT NG NAVY

NASABAT ng mga tauhan ng Philippine Navy – Naval Forces Eastern Mindanao ang bulto-bultong smuggled cigarettes na umabot sa P8-million ang halaga, matapos ang maikling habulan sa dagat, sakop ng Sultan Kudarat sa South Cotabato.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr., sa gitna ng isinasagawang territorial defense operations ng BRP Artemio Ricarte na nasa ilalim ng operational control ng Naval Task Force 71 sa katimugang bahagi ng Eastern Mindanao, ay namataan ang isang kahina-hinalang motor boat.

Sa kasagsagan ng naturang operasyon ay naharang ng mga tauhan ng Naval Forces Eastern Mindanao ang MB Queen Juhaya matapos nitong tangkaing takasan ang mga awtoridad na nagresulta sa “interception”.

Ayon kay Commodore Carlos V. Sabarre, commander ng Naval Forces Eastern Mindanao, narekober mula sa naturang bangka ang 527 master cases na smuggled na sigarilyo, at isang hindi rehistradong baril.

Habang anim na Filipino crew, kasama ang isang hindi pa dokumentadong Malaysian national, ang mga naarestong lulan ng nasabing motorbanca.

Samantala, agad namang itinurn-over ng mga awtoridad ang nasamsam na mga ebidensya sa tanggapan ng Bureau of Custom habang hinatak ang motor boat sa Capt. Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario, Panacan, Davao City.

(JESSE KABEL RUIZ)

123

Related posts

Leave a Comment