P814 MINIMUM WAGE, HILING SA DAVAO REGION

MAGIGING P814 ang daily minimum wage sa Davao region kapag inaprubahan ng Regional Wages and Productivity Board (RTWPB)-Region XI ang dagdag na P418 na inihain ng grupo ng mga manggagawa.

Ayon kay Rep. Raymond Democrito Mendoza, pangulo ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), pormal na inihain ng kanyang grupo ang petisyon para sa dagdag-sahod ng mga manggagawa sa nasabing rehiyon.

“Our minimum wage earners and their families have already fallen below the poverty level even before the ongoing Ukraine-Russia conflict and the succeeding oil price hikes that are now pushing the prices of basic goods and services,” ayon sa mambabatas.

Sa kasalukuyan ay P396 lamang ang daily minimum wage sa nasabing rehiyon na kinabibilangan ng probinsya ng Davao del Sur, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental at Compostela Valley.

Huling tumaas ang sahod sa nasabing rehiyon, tatlong taon na ang nakararaan kaya umabot sa P10,296 ang sinasahod lang ng mga manggagawa kada buwan subalit dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay P9,242.37 ang tunay na halaga nito.

Dahil dito, P14.48 lamang ang budget sa pagkain ng bawat miyembro ng isang pamilya sa nasabing rehiyon bawat meal na malayo sa P61.17 na kailangan ng isang tao base sa pag-aaral ng Ateneo Policy Center gamit ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI)

Malayong-malayo rin umano ang nasabing halaga sa P13,619.00 kada buwan na poverty threshold na itinakda mismo ng gobyerno sa nasabing rehiyon para hindi makaranas ang mga ito ng gutom.

“The fact that our minimum wage earners have become the newly poor is a blatant injustice that must be seriously and urgently addressed by the government,” ayon pa sa kongresista. (BERNARD TAGUINOD)

129

Related posts

Leave a Comment