P85-M SMUGGLED PORK, POULTRY PRODUCTS NASABAT NG BOC

UMABOT sa P85 milyong halaga ng smuggled pork at poultry products ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa Manila International Container Port (MICP).

Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, limang misdeclared na mga kargamento ang dumating sa bansa noong Hunyo 15 na ang consignee ay ang Jeroce Consumer Goods Trading.

Patung-patong na smuggling case at iba pang kaso ng paglabag ang kahaharapin ng consignee kasama ang broker na si Gilbert Gucilatar Lopez. (RENE CRISOSTOMO)

77

Related posts

Leave a Comment