PABRIKA NG STRAW NASUNOG, 8 SUGATAN

WALO katao ang sugatan sa nasunog na pagawaan ng straw sa Caloocan City noong Sabado ng umaga, Disyembre 10, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Dagdag ng BFP, ang mga sugatan ay mga manggagawa ng Sunshine Wealth sa Tandang Sora St., Brgy. 136, Bagong Barrio, Caloocan City. Inaalam pa ang kanilang mga pangalan.

Ayon sa nakalap na impormasyon, nag-ugat ang sunog sa isang kuwartong tinutuluyan ng mga trabahador, kung saan isang charger ang iniwang nakasaksak sa outlet ng kuryente.

Nagsimula ang sunog dakong 9:00 ng umaga at idineklarang under-control dakong 10:18 ng umaga bago tuluyang naapula dakong 10:37 ng umaga.

Umabot sa halagang P15 milyon ang naging pinsala sa ari-arian ng nasabing sunog. (ALAIN AJERO)

35

Related posts

Leave a Comment