PAF CESSNA PLANE NAGLIYAB, 5 NAKALIGTAS

NAKALIGTAS ang limang sakay ng Philippine Air Force Cessna 208B EX Grand Caravan aircraft nang mag-emergency landing ito kahapon ng madaling araw sa Mactan Cebu International Airport nang magliyab ang makina nito.

Ayon sa inisyal report na ibinahagi ni PAF Spokesperson, Col. Ma. Consuelo Castillo, nagawang maibalik at mailapag agad ng piloto ang Cessna 208B para makaiwas sa mas malaking pinsala at mailigtas ang mga sakay nito matapos na mapuna na nasusunog ang turboprop engine.

Bandang alas-2:15 kahapon ng madaling araw ay ligtas na namaniobra ng piloto ang eroplano pabalik ng Mactan Cebu International Airport para sa isang Aircraft Emergency Landing I.

Sinasabing naramdaman ng piloto ng Cessna 208B EX Grand Caravan aircraft ng PAF na may engine fire, ilang minuto matapos na mag-take off ito kaya mabilis na nagsagawa ng immediate emergency landing sa Mactan Cebu International Airport.

Kasalukuyang sinisiyasat ng pamunuan ng PAF ang insidente at ang lawak ng naging pinsala nito sa nasabing aircraft na kabilang sa unang batch ng C208B na idineliber noong 2017.

(JESSE KABEL RUIZ)

68

Related posts

Leave a Comment