PAGBABAWAL SA PAPUTOK SUPORTADO NG DOH

SUPORTADO ng Department of Health (DoH) ang panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipagbawal ang mga paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon kalakip ang kanilang kondisyon.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag, sinusuportahan nila ang kahilingan ngunit binibigyan din nila ng pang-unawa ang apela sa industriya ng paputok.

Hinimok din ng mga opisyal ang publiko na ipaubaya sa mga propesyunal ang paglalagay ng fireworks display para hindi magtamo ng injuries.

Una rito, ilang lokal na pamahalaan na rin sa bansa ang nagpasa ng mga regulasyon na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at paggamit ng mga paputok.

Iniulat din ng DOH nitong Disyembre 26, umaabot na sa 52 ang bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok kung saan lima sa mga ito ay naputulan ng mga kamay o daliri. Tatlo sa mga biktima ay menor de edad at 2 adults na pawang lalaki na gumamit ng ilegal na boga, pla-pla, five-star, goodbye Philippines fireworks at whistle bomb.

(JULIET PACOT)

255

Related posts

Leave a Comment