LALO pang pag-iibayuhin ng ACT CIS Partylist ang pagbibigay ng tulong sa mamamayan, gayundin ng hustisya sa mga inaapi o mga biktima ng pang-aabuso kapag ibinalik sila ng tao sa Kongreso.
Ito ang pangako ni ACT CIS Nominee Edvic Yap sa isang panayam kamakailan.
“Sa mga walang malapitan para sa hustisya, magtungo po kayo sa aming opisina at tinitiyak namin na hindi kayo uuwi nang luhaan,” ani Yap.
Dagdag pa ni Yap, “lahat po ng nagpupunta sa opis namin ay kinakausap namin at hinahanapan agad ng solusyon ang problema nila”.
“Ang mas maganda sa aming grupo ngayon, may malalapitan na rin tayo sa senado kung sakali thru idol Raffy Tulfo,” dagdag pa ni Yap.
Paalala naman ni ACT CIS Chairman Erwin Tulfo, itutuloy tuloy pa rin ang pagtulong nila sa mga kailangan ng medical attention tulad ng mga maintenance, dialysis at chemotherapy.
“May koordinasyon na po kami sa National Children’s Hospital at Philippine Children Medical Center sa halos libreng pagpapagamot na sa mga mahihirap na batang may sakit sa mga darating na buwan dahil sasagutin ng ACT CIS ang ilang bahagi ng bill nila,” dagdag ni Tulfo.
92