PAGKABAON SA UTANG MALAKING HAMON SA MAYNILA

MALAKING hamon sa susunod na uupong alkalde ng lungsod ng Maynila ang pagkabaon sa utang ng lungsod.

Isa ito sa mga nais tugunan ni Kabaka Chairman at mayoralty bet Amado Bagatsing sakaling palarin siya sa Mayo.

Sa kanyang grand proclamation rally sa Dagonoy Public Market, Onyx Street, District 5 noong Biyernes, March 25, hindi nagpatinag ang tinaguriang ‘Daddy A’ ng pamilya Kabaka sa mga pakulo at aktibidad na ginagawa ng pambato ng Partido Federal ng Pilipinas sa Maynila.

Gaya ni Atty. Alex Lopez na manok ni presidential frontrunner Bongbong Marcos ng PFP sa pagka alkalde, libong katao rin ang dumating sa simpleng programa ni Daddy A upang makiisa sa isang tunay na pagbabago para sa lungsod ng Maynila.

Sinamahan ni District 5 Congresswoman Cristal Bagatsing ang kanyang ama, ilang senatorial candidates at Vice Presidential candidate Sara Duterte.

Sa makasaysayang gabi ng proklamasyon, ibinahagi ni Amado Bagatsing ang ilan niyang plataporma para sa lungsod ng Maynila.

Ani Bagatsing, titiyakin niyang mabibigyan ng tulong medikal ang lahat ng Manilenyo.

Prayoridad ni Amado ang edukasyon para sa maayos na kinabukasan ng mag-aaral at dagdagan ang kasalukuyang allowance ng mga ito.

Sinabi pa ni Bagatsing na sisiguraduhin nitong makasasabay ang mga jeepney driver sa bagong teknolohiya para tuloy-tuloy silang kumita.

Naipasa rin ng matandang Bagatsing ang mandatory contribution sa PAGIBIG Fund para lahat noong manilbihan siya bilang kinatawan ng 5th district.

Inamin ni Bagatsing na iiwan ng kasalukuyang administrasyon na lubog sa utang ang Maynila, kaya ngayon pa lang pinag-aaralan na niya kung paano ito tutugunan. (JULIET PACOT)

63

Related posts

Leave a Comment