TAHASANG itinanggi kahapon ng Armed Forces of the Philippines ang kumalat na balitang pinalayas ng China Coast Guard ang isang gray ship ng Philippine Navy sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal.
Mariing sinabi ni AFP chief of Staff General Romeo Brawner na nagpapapogi lamang ang China sa kanilang internal audience at propaganda lamang ang pinakakalat na balita na nagmula sa Beijing, na pinalayas nila sa Scarborough Shoal ang isang barko ng Philippine Navy.
“Oo, hindi tayo papayag na palalayasin…exclusive economic zone, it is our duty, it is our right to make sure that our fishermen can fish in our economic zone,” ani General Brawner.
Nilinaw rin ng heneral na wala namang presensya ang Philippine Navy sa area, at ilang ulit nilang beneripika kung may katotohanan ang ipinalabas na balita ng Chinese government at kung mayroon man ay hindi sila mapapaalis.
“Sa ngayon wala e, sa ngayon wala, oo, nandun tayo sa south, sa baba, oo, maski nga nung pinutol natin ‘yung obstacle (floating barrier), walang navy dun e, coast guard lang,” ani Brawner
Malinaw umanong propaganda lamang ito, “To show na may ginagawa sila sa baba, kasi they are concerned with their internal audience eh at ‘yung leadership nila, oo, nagpakuwan lang ‘yun, nagpapogi,” tugon pa ni Brawner, at iginiit na hindi tayo papayag na palalayasin sa sarili nating teritoryo.
(JESSE KABEL RUIZ)
204