PAGSASAMANTALA NG AMO SA EMPLEYADO TUTULDUKAN

HINDI na maaaring istorbohin ng mga employer o opisyales ng isang kumpanya ang kanilang mga empleyado pagkatapos ng office hours kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Kamara.

Sa House Bill (HB) 9735 na inakda ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, pinaamyendahan nito ang Article 84 ng Presidential Decree No. 442 o Labor Code of the Philippines upang maproteksyunan ang mga empleyado sa pagsasamantala ng karamihan sa advance communication technology.

Ayon sa mambabatas, maraming employers ang tumatawag pa rin sa kanilang mga empleyado kahit tapos na ang office hours para may ipatrabaho gamit ang makabagong teknolohiya tulad ng emails.

“Problems arise in such a way that employees work even beyond the normal working hours (i.e. replying to emails, replying to messages on their phones, answering calls, among others),” ayon sa panukala.

Nakakadagdag stress aniya ito sa mga empleyado dahil imbes na magpahinga ay iniistorbo at pinagtatrabaho pa rin ang mga ito ng kanilang employers subalit wala namang dagdag na kompensasyon.

Dahil dito, kailangang makapagpasa aniya ang Kongreso ng batas na katulad sa bansang France na tinawag na “right to disconnect” sa email, smartphones at iba pang communication platform pagkatapos ng working hours.

“There have also been studies to show that the anticipatory stress and expectation on answering after-hours e-mails is draining employees, leading to “burnout” or the physical,psychological and emotional distress caused by a total inability to rest and diminished work-family balance, which is essential for individual health and well-being,” ayon pa kay Rodriguez.

Ang masaklap aniya, kapag hindi nagawa ng isang empleyado ang iniuutos ng kanilang employers pagkatapos ng working hours ay pinapatawan ang mga ito ng disciplinary action.

(BERNARD TAGUINOD)

211

Related posts

Leave a Comment