PAGTATALAGA KAY ABALOS WELCOME KAY SEC. AÑO

WELCOME kay Interior Secretary Eduardo Año ang planong pagtatalaga kay dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr. bilang kanyang successor.

“We have worked closely with Chairperson Abalos during the height of the pandemic and we have seen how he ably steered the COVID-19 pandemic response in the National Capital Region which has resulted to the downward trend of coronavirus cases and the successful roll-out of the vaccination program in Metro Manila,” ang pahayag ni Año sa isang kalatas.

Inanunsyo ng kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. , noong Biyernes, ang pagkakapili kay Abalos na pamunuan ang Department of Interior and Local Government (DILG).

Si Abalos ang nagsilbing campaign manager ni Marcos Jr. noong 2016 nang manalo ito sa pagka-senador at sa katatapos lamang na halalan sa bansa.

“Chairman Benhur Abalos has been nominated to lead the Department of the Interior, and he has accepted the challenge to lead the Department of the Interior and Local Government,” ayon naman kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr.

Sinabi ni Año na ang naging karanasan ni Abalos bilang Mandaluyong City mayor at MMDA chair ay nakatulong sa kanya para pangunahan ang DILG, na inaasahang magsisimula na sa kanyang trabaho sa Hunyo 30 kapag isinagawa na ang inagurasyon kay Marcos sa pagka-pangulo. (CHRISTIAN DALE)

 

Related posts

Leave a Comment