Pagtiyak ng Palasyo MAY MANANAGOT SA NBP INCIDENT

SINABI ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles na may isinasagawa nang “full investigation” sa New Bilibid Prison (NBP) incident.

Tiniyak ni Nograles na mananagot ang mapatutunayang may kinalaman sa insidente.

Aniya, may mga rekomendasyon base sa imbestigasyon at “those who will be found responsible will be penalized.”

Sa ulat, tatlong inmate ang nakatakas mula sa Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison nitong madaling araw ng Lunes.

Tumalon umano ang mga pugante mula sa pathwalk at nakipagbarilan sa mga guwardiya sa Gate 3 at 4.

Pawang armado ang mga nakatakas na preso, na nakasuot ng BuCor shirts. Dalawa na sa mga ito ang iniulat na napatay. (CHRISTIAN DALE)

110

Related posts

Leave a Comment