PAKIKIPAGTULUNGAN NG AIRLINES HINILING NI TANSINGCO

HINIKAYAT ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco nitong Miyerkoles ang lahat ng mga ahensya na may kinalaman sa airport operations, gayundin ang mga airline, na magtulungan para maresolba ang airport lines.

Ginawa ni Tansingco ang panawagan matapos na makatanggap ng mga reklamo kaugnay sa long lines sa immigration area, kasunod ng post-new year glitch sa pangunahing mga paliparan ng bansa.

“All counters were manned, but the lines remained long,” ani Tansingco. “While passengers were processed expeditiously, more can be done to improve this,” dagdag pa niya.

Ayon kay Tansingco, nakasuporta ang BI sa pagpapaluwag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at pagbubukas ng new airports.

 “As we open our borders, we should innovate in anticipation of the rebound of international tourism,” banggit pa ni Tansingco.

Inihayag pa  niya, umabot na sa maximum capacity ang counters sa airport, at may nakatalagang dalawa hanggang apat na immigration officers sa counters sa ilang terminals.

 “It’s already a space problem.  We can add so many officers, but if the space is limited, then there will still be lines,” pahayag pa niya.

Nanawagan din siya na makipagtulungan ang airlines sa pamamagitan ng pagre-regulate sa pagdagsa ng mga pasahero sa pamamagitan ng proper scheduling. (JOEL O. AMONGO)

28

Related posts

Leave a Comment