HINIKAYAT ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko na huwag agad-agad magbigay ng limos sa street dwellers lalo pa’t nalalapit na ang Kapaskuhan.
Ang katwiran ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, “We discourage them po sa alms giving, sa paglilimos kasi encourage lang natin ating mga kababayan na manatili sa kalsada.”
Matatandaang, nakasaad sa Presidential Decree 1563 sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., na pinarurusahan ang mga taong nahuhuling nagbibigay ng limos.
Pinagmumulta ang mga ito at ikinukulong ng hanggang apat na taon.
Ayon sa DSWD, mayroon itong mga programa para sa street dwellers gaya ng Oplan Abot, nagbibigay ng pansamantalang silungan, educational plan o enrolment sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
“Hindi po kayo basta hinihila, nilalagay sa sasakyan, ilalagay sa facility. Hindi po. Dayalogo po ang nangyayari hanggang kayo ay kusa sumama sa amin at mabigyan kayo ng interventions,” ayon kay Lopez.
(CHRISTIAN DALE)
178